Ibinasura ng Quezon City Prosecutor’s Office ang mga reklamong direct assault; grave coercion at disobedience to authority na isinampa laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa 13-pahinang resolusyon, inirekomenda ng City Prosecutor, na ibasura ang reklamo laban kay VP Duterte; Vice Presidential Security and Protection Group Head Colonel Raymund Dante Lachica, at iba pa, dahil wala anilang sapat na batayan para isulong pa ang kaso.
Nag-ugat ang pagsasampa ng kaso ni Police Lieutenant Col. Van Jason Villamor sa mga respondent matapos magkaroon ng tensyon sa paglilipat kay OVP Chief of Staff Atty. Zuleika Lopez, mula sa Veterans Memorial Medical Center patungong St. Luke’s Medical Center. – Sa panulat ni Kat Gonzales