Tumanggi muna ang Malacañang na magkomento kaugnay sa inihaing petisyon sa Korte Suprema na kumu-kwestyon sa 2025 General Appropriations Act.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, kailangan niya munang mabasa ang nilalaman ng petisyon.
Matapos nito, saka anya maglalabas ng komento ang malacañang, sa pamamagitan ng tanggapan ng Office of the Solicitor General.
Una rito, naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang ilang petitioner na humihiling na maisantabi at maipawalang bisa ang 2025 national budget. – Sa panulat ni Kat Gonzales