Idineklarang nuisance candidates ng Commission on Elections o COMELEC ang mahigit 200 katao na gustong tumakbo sa ilang national positions sa halalan sa susunod na taon.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, pinaboran ng dalawang dibisyon ng poll body ang moto propio petitions ng law department laban sa certificates of candidacy o COC ng 100 presidential, 9 na vice presidential at mahigit 90 senatorial aspirants.
Nilinaw naman ni Bautista na maaari pang maghain ng kanilang motions for reconsideration ang mga naturang kandidato sa COMELEC.
Sa Disyembre 15 ay isasapinal na ng ahensya ang pagplantsa sa final list ng mga official candidates para sa 2016 elections.
By Jelbert Perdez