Nanindigan si Vice Chairperson, House Committee on Appropriations Rep. Zia Alonto Adiong, na dumaan sa tamang proseso ang 2025 national budget.
Ayon kay Adiong, siniyasat ng maigi ng kongreso at mababang kapulongan ang General Appropriations Act.
Giit naman ni Deputy House Majority Leader Rep. Paolo Ortega, halatang namumulitika lamang sina dating Executive Secaretary Vic Rodriguez at Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab para siraan ang administrasyong Marcos.
Gusto lang aniya ng mga ito na ipawalang bisa ang 2025 national budget para maibalik ang mas malaking pondo ng opisina ni Vice President Sara Duterte.
Para naman kay House Speaker Martin Romualdez, pag-aaral niya muna ang nasabing isyu.
Habang si Senate President Francis Escudero, bukas sa inihaing petisyon. – Sa panulat ni Jeraline Doinog