Nais ng Manila Electric Company o MERALCO na ibalik sa kanilang customers ang 19 billion pesos na over collection o sobrang nasingil.
Sa ngayon, pinoproseso na ng electric distributor ang kanilang refund petition para isumite sa Energy Regulatory Commission.
Ayon sa Meralco, sakaling aprubahan ng ERC, aabot sa tatlong taon ang pagbabalik ng over collection at kada consumer ay tatanggap ng 19 centavos per kilowatthour na refund.
Naganap ang over collection noong July 2022 hanggang December 2024.
Sa tala ng Meralco hanggang noong 2023, nasa 7.8 million ang consumers ng energy distributor.