Kinumpirma ni Presidential Communications Office Secretary Cesar Chavez na sinertipikahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang ‘urgent bill’ ang panukalang batas na naglalayong ipagpaliban ang halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ngayong taon.
Layunin anya ng hakbang na bigyan ng mas mahabang panahon ang pamahalaan at ang bangsamoro transition authority upang higit na maipatupad ang mga reporma at proyekto sa rehiyon.
Sinasabing ang postponement ng eleksyon ay makatutulong sa pagpapatatag ng pamamahala at sa pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan ng BARMM.
Una rito, nagkaroon ng konsultasyon sa pagitan ng pamahalaan, mga lider ng barmm, at iba pang stakeholders bago isinulong ang naturang panukala.
Samantala, umaasa ang malakanyang na agad na aaksyunan ng kongreso ang nasabing bill upang maisabatas ito sa lalong madaling panahon. - Sa panulat ni Kat Gonzales