Kuntento ang mayorya ng mga Pilipino sa pamamahala ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa resulta ng Social Weather Stations survey sa huling bahagi ng 2024, 59% ng mga Pilipino ang nagsabing satisfied sila sa kasalukuyang liderato.
Gayunman, mas mababa ito ng 1% sa 60% noong September survey, mas mababa rin ng 1% ang dissatisfaction rate habang umakyat naman sa 17% ang mga Pilipinong undecided mula sa dating 15%.
Naitala sa Visayas ang pinakamataas na satisfaction rating na may 65% habang pinakamataas na dissatisfaction rating naman sa Mindanao na may 31%. – Sa panulat ni Laica Cuevas