Nanawagan si Senate Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na sertipikahang urgent ang panukalang legislated minimum wage hike para sa mga manggagawa.
Ayon sa senador, may pangangailangan na maiayos ang antas ng pamumuhay ng mga manggagawang Pilipino at maramdaman naman ang epekto ng paglago ng ekonomiya.
Hiling ng senador, masertipikahan agad ng pangulo ang panukalang batas at matiyak ang pagpapatupad nito lalo’t malapit ng matapos ang 19th Congress.
Kailangang anyang masigurong may kakayahang mamuhay ng maayos ang mga kababayan at mahalagang maitapat ang sahod ng mga manggagawa sa umiiral na living wage sa bansa.
Naunang naaprubahan sa senado ang Senate Bill 2534 o ang P100 munimum wage increase bill na ini-akda rin ni Villanueva at bukas naman ang senador sa ongoing na talakayan ng Kamara sa bersyon ng kanilang panukala. - sa panulat ni Kat Gonzales