Nilinaw ni dating Colonel Mariano Santiago, miyembro ng Alyansa ng Nagkaka-isang Mamamayan, na walang pinapanigan ang ikinasa nilang kilos-protesta noong isang linggo kaugnay sa kontrobersya ng 2025 national budget.
Ito ay matapos ang pahayag ni dating Senador Antonio Trillanes IV, na ilan sa mga sumama sa rally ay taga-suporta ng pamilya Duterte.
Ayon kay dating Colonel Santiago, ang pangangalampag sa administrasyong Marcos ay hindi nangangahulugan ng pagkampi sa mga Duterte.
Ipinunto pa ng dating opisyal na makakaliwa man o nagmula sa ibang grupo ang nakiisa sa kilos-protesta, karapatan nilang mangialam sa budgetary process ng bansa dahil pera ito ng taong-bayan. – Sa panulat ni Laica Cuevas