Sa isang probinsya, naitala ang isa na namang kaso ng pag-aabandona ng sanggol. Pero ang mas masaklap pa rito, hinihinala na pinalaglag ang bata.
Kung saan ito? Alamin.
Labis na gulat ang naramdaman ng mga residente sa Barangay San Isidro, General Santos City nang madiskubre nila kinaumagahan ng January 28 ang bangkay ng isang sanggol.
Natagpuan ang katawan nito na nakabalot ng isang tela na kagat-kagat daw ng isang aso na nakuha nito mula sa isang bakanteng lote.
Tinakpan ng mga residente ang bangkay at nagsindi ng kandila para rito.
Mayroon din daw posibilidad na baka ipinalaglag ang bata lalo pa at mayroong mga nadiskubbreng unprescribed pills kasama nito.
Sa tulong ng mga attending physician ay aalamin pa raw kung para saan ba talaga ang mga nakitang gamot at kukumpirmahin kung ginagamit ba ito sa abortion.
Para naman matagpuan na kung sino ang nanay ng bata, nakikipagtulungan ang mga otoridad sa mga clinic at ospital para alamin kung mayroong mga babaeng naging pasyente roon na posibleng nagpakita ng indikasyon ng abortion.
Samantala, dinala na ang mga labi ng kawawang bata sa punerarya.
Ikaw, anong masasabi mo sa kalunus-lunos na sinapit ng inosenteng sanggol?