Ikinabahala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang sinasabing paglalaan ng bilyung-bilyong piso para sa ayuda sa ilalim ng 6.3 billion pesos na 2025 national budget.
Ayon kay Caritas Philippines Executive Director, Fr. Tito Caluag, panahon na para kumilos at mag-protesta laban sa kurapsyon, at higit dito, kailangan ng pagkakaisa at maging liwanag laban sa katiwalian.
Bagama’t kailangan aniya ang ayuda para matulungan ang mga mahihirap, mahalaga ring bigyan ang mga ito ng programa na talagang magbibigay ng oportunidad sa kanila para mapabuti ang kanilang mga buhay at hindi lamang umaasa sa natatanggap na ayuda.
Ipinunto ni Fr. Caluag na panahon na para gamitin ang national budget hindi para sa mga ayuda, kundi sa mga proyektong magsusulong sa kanilang mga buhay. – Sa panulat ni Laica Cuevas