Magsasagawa ng imbestigasyon bukas ang Tri-Committee ng Kamara kaugnay ng sinasabing pagkalat ng fake news o maling impormasyon sa social media.
Kaugnay nito, inimbitahan ang nasa 40 social media personalities sa pagdinig, na pangungunahan ng committees on public order and safety; public information; at information and communications technology.
Ilan sa mga inimbitahan sina Malou Tiquia; Jose Yumang Sonza; Mark Anthony Lopez; Allan Troy “Sass” Rogando Saso; Lorraine Marie Tablang Badoy-Partosa; Jeffrey Almendras Celiz; Lord Byron Cristobal o Banat By; Claire Eden Contreras o Maharlika Boldyakera; Atty. Trixie cruz Angeles at Ahmed Paglinawan ng Luminous by Trixie & Ahmed.
Dadalo rin sa pagdinig ang mga kinatawan mula Google, Meta, at Bytedance, gayundin ang mga opisyal ng National Bureau of Investigation, Philippine National Police, at Department of Justice.
Kabilang sa mga aalamin ng Komite kung paano kumakalat ang disinformation online, gayundin ang epekto nito sa publiko at pambansang seguridad.