Posibleng magdulot ng trade war at pagtaas sa presyo ng mga bilihin sa buong mundo ang ipinatupad na taas-taripa ng Estados Unidos sa ilang bansa.
Ayon kay Analyst Qiu Buhui, maaring magdala ng overall economic uncertainty ang hakbang ng Amerika.
Kamakailan lamang nang lagdaan ni US President Donald Trump ang kautusan na nagpapataw ng 25% na taripa sa mga produkto mula sa mexico at canada at 10% na taripa mula sa China.
Bilang tugon, sinabi ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na ipatutupad din nila ang 25% na taripa sa mga produkto mula sa US habang ipinag-utos na rin ni Mexican President Claudia Sheinbaum ang mga tariff measures para ma-protektahan ang interes ng Mexico.
Nangangamba naman ang Analyst na sa gitna ng palitan ng taripa at kontra-taripa, masisira ang global economy, at sa halip na mapaunlad ito, ay unahin ng mga bansa ang kanilang pansariling interes.