Alam n’yo ba na ang mga gulay na kulay pula partikular na ang kamatis ay pangunahing nagtataglay ng carotenoids.
Sinasabing ito ang nagpapatalas at nagpapabuti sa ating memorya.
Mayroon din ang kamatis na carbohydrate, fiber, vitamin A, B, C, E, at mga mineral gaya ng sodium, potassium, calcium, magnesium, at iba pa.
Mayroon ding lycopene na kalimitang makikita sa kutis ng kamatis na nakatutulong kontra depresyon.
Bukod dito, ang iba’t ibang bahagi ng kamatis ay maaaring makuhanan ng sustansya na maaaring may benepisyo sa ating kalusugan. – Sa panulat ni Kat Gonzales