Tututukan pa ng Department of Science and Technology ngayong taon ang mga programa para sa biology at pharmaceuticals.
Ito ang sinabi ni DOST Secretary Renato Solidum, alinsunod sa hangarin ng pamahalaan na makapagtatag ng sariling virology at vaccines institute sa bansa.
Ipinaliwanag ng Kalihim, na sa pamamagitan nito, darami na ang mga indibidwal na magta-trabaho o tututok sa pag-aaral sa mga sakit ng tao, halaman, at hayop.
Dadami rin ang mga maghahanap ng solusyon kontra sa mga sakit na ito.
Idinagdag pa ng Kalihim, na bukod sa pagtitiyak ng food security sa Pilipinas, kailangan na ring paghandaan ng bansa ang posibilidad ng pag-usbong ng susunod na pandemya. – mula sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)