Sinimulan na sa uganda ang trial vaccination program para sa Ebola viral infection.
Ayon sa World Health Organization, ito ay matapos umakyat sa tatlo ang bilang ng Ebola cases.
Matatandaang namatay ang isang Nurse dahil sa sakit noong nakaraang linggo, habang naitala naman ang dalawang bagong kaso sa pamilya nito.
Kabilang sa sintomas ng Ebola infection ang pagdurugo, pananakit ng ulo at kalamnan.
Naililipat naman ang virus sa pamamagitan ng close contact sa infected bodily fluid at tissues. – Sa panulat ni Laica Cuevas