Pumalo sa mahigit 10,000 cybercrime complaints ang naitala ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center noong nakaraang taon.
Mas mataas ito ng tatlong beses kumpara noong 2023.
Batay sa complaints statistics ng CICC, umabot sa 3,000 kaso ang kabuuang complaints ang kanilang natanggap.
Dahil dito, umabot sa 198 million pesos ang kabuuang nawalang pera dahil sa scam noong nakalipas na taon.
Paliwanag ng ahensya, hindi alam ng publiko na sila ay naii-scam na at walang ding ideya kung saan isusumbong ang naturang insidente.