Pinalagan ng poll watchdog ang panukala ng Commission on Elections na ipagbawal ang lahat ng uri ng ayuda o anumang tulong, sampung araw bago ang eleksyon.
Ayon kay Kontra Daya Convenor Danilo Arao, isa sa kanilang tinitignang problema ay dumaraming pamilya o pilipino ang nangangailangan ng tulong sa oras na may krisis.
Hindi dapat anya palawakin ang pagbabawal sa ayuda at sa halip ay dapat palakasin ng COMELEC ang kanilang monitoring mechanisms.
Una nang ipinagbawal ng COMELEC ang pamamahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), 10 araw bago ang botohan.