Pinaigting pa ng Department of Social Welfare and Development ang mga inisyatiba nito para matutukan ang adolescent mothers sa bansa.
Ayon sa DSWD, layon nito na matiyak ang psycho-social well-being ng mga ito habang ginagampanan ang mga tungkulin bilang magulang sa murang edad.
Kabilang sa mga programa ng ahensya ang “ProtecTEEN” na layong makiisa sa iba’t ibang proyekto ng pamahalaan upang maiwasan ang teenage pregnancy at mabawasan na rin ang mga panganib na kinakaharap ng mga dalagang ina.
Ang ProtecTEEN ay isang psychosocial-centered support upang matugunan ang iba’t ibang hamong kinahaharap ng mga adolescent mom sa kanilang pamilya kabilang ang family healing sessions; family case management; employment; livelihood; at educational assistance. - sa panulat ni John Riz Calata