Isinusulong ng Department of Migrant Workers ang pagkakaroon ng joint monitoring system para sa mga overseas Filipino worker.
Ayon kay Migrant Worker Undersecretary Yvonne Caunan, nakapokus ang kagawaran sa paglikha ng isang monitoring framework titingin sa mga Pilipinong magtatrabaho sa ibang bansa partikular na sa Kingdom of Saudi Arabia.
Katuwang aniya ng pamahalaan ang KSA sa nasabing proyekto na layuning mas paigtingin at palakasin ang pagbabantay at pagpoprotekta sa mga OFW sa nasabing bansa.
Kaugnay nito, inaasahang sa susunod na linggo magaganap ang mga pagpupulong ng dalawang panig upang ilatag at isapinal ang plano sa nasabing program. - sa panulat ni Kat Gonzales