Binubuo ng Millenials at Generation Z o Gen Z, ang mayorya o katumbas ng 63% ng mga botante sa Pilipinas.
Sa datos ng Commission on Elections, tumaas ang bilang ng mga botante ng mahigit 10 million o mahigit 75.9 million ngayong taon, kumpara sa mahigit 65.7 million noong 2022.
Sa kabuuang bilang ng mga botante para sa 2025 elections, 69.6 million ang naitalang rehistrado hanggang nitong January 23.
Sa nabanggit, 25.9 million o 34.15% sa ang Millenials o ipinanganak sa pagitan ng mga taong 1981 hanggang 1996.
21.87 million naman o katumbas ng 28.79% ang mga tinaguariang Gen. Z, o mga botanteng ipinanganak sa pagitan ng mga taong 1997 hanggang 2007.
Samantala, binubuo naman ng Gen X, baby boomers at silent generations ang natitirang mahigit 36%.
Kaya para sa mga kabataan at medyo may kabataan, ngayong eleksyon, iboto ang tama, itama ang boto! – Sa panulat ni Laica Cuevas