Binigyan-diin ni dating Senador Leila De Lima na ipinakita lamang ng house of representatives na hindi maaaring balewalain ang inihaing impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon sa dating Senador, ginawa ng kongreso kung ano ang nararapat para sa ikabubuti ng Pilipinas.
Hindi anya personal na laban ang impeachment at mas lalong hindi ito dapat ituring na pamumulitika.
Kasunod nito, nanawagan ang dating Senador sa mga grupong naghain ng impeachment complaints laban kay VP Sara na maging mapagmatyag at bantayan ang proseso ng impeachment. – Sa panulat ni Kat Gonzales