Special session para sa impeachment ni VP Sara, posibleng isagawa ayon kay dating Senior Associate Justice Carpio.
Posibleng magsagawa ng special session ang senado kaugnay sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.
Ito ayon kay dating Senior Associate Justice Antonio Carpio, sakaling ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior na magsawa ng nasabing special session at kung gugustuhin ng Kongreso.
Dagdag pa ni Carpio, sakali mang hindi matalakay ang impeachment habang naka-break ang Senado, maaaring ipagpatuloy na lamang ito sa 20th Congress.
Una nang sinabi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na walang ligal na basehan para magpatawag ng special session ang senado para sa impeachment trial ni VP Sara. – Sa panulat ni John Riz Calata