Kinilala ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamasaya at ‘most optimistic’ na bansa sa mundo.
Batay sa pag-aaral ng Philippine Survey and research Center at Gallup International Association, pang-siyam ang Pilipinas sa mga masasayang bansa na may happiness net score na 60%.
Nakuha naman ng China ang top happiest country at sinundan ito ng Indonesia; Mexico at Kazakhstan.
Samantala, nanguna naman ang Pilipinas sa lahat ng bansa sa Asia na may positibong pananaw para sa 2025.
Ito’y matapos makapagtala ang bansa ng 40% net optimism kung saan malaki ang itinaas nito mula sa global average na 17%.
Nangangahulugan ito na sa kabila ng mga kinakaharap na problema ng bansa, nanantiling positibo ang mga Pilipino. – Sa panulat ni Kat Gonzales