Nagbabala ang Management Association of the philippines sa pamahalaan laban sa plano nitong pagtanggal sa Edsa Bus Carousel.
Tinawag na ‘ill-advised’ ng business group ang sinasabing pagtanggal sa bus lane, at iginiit na hindi magpapaluwag sa trapiko sa Edsa ang pagdaragdag ng isa pang linya para sa private vehicles.
Ayon sa business group, anumang pulong kaugnay dito, ay maituturing na paglabag sa national transport policy of 2017 kung saan dapat bigyang-prayoridad ang public transportation bilang mobility solution na kailangang ipatupad at pangasiwaan kapwa ng Departments of Transportion (DOTR) at Public Works and Highways (DPWH).
Sa halip na tanggalin ang Edsa bus lane, hinikayat ng map ang pamahalaan na tanggalin na lamang ang traffic obstructions sa mabuhay lanes at illegal parking.
Kaugnay nito, hinimok din ng grupo na magkaroon ng iisang pananaw kaugnay sa usapin dahil matapos sabihin ng mmda ang planong pagtanggal sa nasabing bus lane, inihayag naman ng dotr na nanatili itong isa sa pinaka-epektibo at madaling public transport system sa Metro Manila.- Sa panulat ni Laica Cuevas