Aakalain mo ba na nasa bansa rin pala natin ang puno na siyang pinagmumulan ng maituturing na isa sa mga pinakamahal na kahoy sa buong mundo?
Kung ano nga ba ang espesyal sa puno na ito, alamin.
Sa dami ng mga gubat at halaman na matatagpuan sa Pilipinas, baka nadaanan mo na ang Aquilaria tree o Lapnisan kung tawagin dito sa atin.
Matatagpuan ito sa mga gubat na nasa matataas na bundok.
Sobrang special lang naman ng puno na ito dahil dito lang naman nanggagaling ang isa sa pinakamahal na mga kahoy sa buong mundo at tinatawag itong Agarwood.
Para makapag-produce ang Aquilaria tree ng agarwood, kinakailangang butasan ito para magkaroon ng fungal infection.
At kapag pinagdiskitahan na ito ng fungus na phialophora parasitica, lalabanan naman ito ng aloes o ang kulay itim at mabangong likido na lumalabas mula sa puno.
Kumakapit ang likido na ito sa kahoy at iyon na ang magiging agarwood. Iyon lang din ang parte na kinukuha sa puno dahil iyon lang din ang may halaga.
Hindi lang ang mismong kahoy ang mabenta dahil ginagawa rin pala itong essential oil na maaaring umabot sa tumataginting na 4 million pesos kada litro.
Sa sobrang dami ng gamit nito, ginagawa rin itong incenso, pabango, gamot, at accessories.
Para naman sa price reveal ng nasabing kahoy, maaari lang namang umabot ang first grade agarwood sa halagang limang milyong piso kada kilo.
Samantala, bagama’t available ang Aquilaria tree sa Pilipinas, hindi basta-bastang binebenta ang agarwood at kinakailangan ng permit mula sa Department of Environment and Natural Resources o DENR.
Ngayong alam mo na ang halaga nito, bigla ka rin bang nagka-interes sa paghahalaman?