Hindi na dapat magtaka ang publiko kung bakit naunang lumagda sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte si Presidential Son at Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos.
Ayon sa Mambabatas, natural lang na mauna siyang lumagda sa reklamo matapos ang mga binitiwang pahayag ni VP Sara sa social media gaya ng pagpapahukay sa labi ng kaniyang lolo na si dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos Sr. at itatapon sa West Philippine Sea.
Maging ang bantang pagpapapatay sa kaniyang mga magulang na sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos maging kay House Speaker Martin Romualdez.
Itinanggi naman ni Congressman Marcos, na siya ang nagtulak sa 4th impeachment complaint at hindi rin niya kinumbinsi ang mga kasamahang kongresista na lumagda dahil ang kanilang pagpirma sa listahan ay batay sa sarili nilang desisyon. – Mula sa ulat ni Geli Mendez (Patrol 30)