Handang resolbahin ng Impeachment Court ang parusang perpetual disqualification laban kay Vice President Sara Duterte sakaling magbitiw ito sa kasalukuyang puwesto bilang pangalawa sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno.
Ito ang inihayag ni Manila Rep. Joel Chua kaugnay sa posibilidad na mag-resign sa pwesto si VP Sara upang makaiwas sa impeachment trial.
Ayon sa Kongresista, malinaw ang nakasaad sa saligang batas na removal from office at perpetual disqualification ang “Penalties” ng impeachment.
Matatandaang sa naging media conference sinabi ng pangalawang pangulo na hindi pa sumasagi sa kaniyang isip ang mag-resign dahil pinaghahandaan ng kanyang legal team ang impeachment trial. - Panulat ni john Riz Calata mula sa ulat ni Geli Mendez