Isang matanda ang wala nang nagawa kundi magsisi at tiisin ang ingay sa ginagawang kalsada na nakapaligid sa kaniyang bahay.
Kung paano siya napunta sa ganoong sitwayson? Alamin.
Sa Jinxi, China, nainirahan ang isang lolo na si Huang Ping kasama ang kaniyang 11-anyos na apo sa gitna ng isang ginagawang kalsada.
Si Huang kasi, tumanggi sa offer ng Chinese government na halos 13 million pesos para lumipat ng tirahan dahil gagawin nang kalsada ang kinatitirikan ng kaniyang bahay.
Dahil sa ingay at gulo na hatid ng construction, sa tuwing ginagawa ang kalsada ay umaalis na lang tuloy ang matanda para tumatambay sa town center at umuuwi na lang kapag nakaalis na ang mga construction worker.
Ang ganitong sitwasyson ay hindi na raw pala bago sa China. Tinatawag pa nilang “dingzihu” o nail house ang mga bahay na pag-aari ng mag residente na tumanggi sa alok ng gobyerno at piniling manatili sa kanilang mga bahay.
Sa huli, nagsisi rin si Huang at hiniling na sana ay tinanggap niya na lang ang alok ng gobyerno, lalo pa at mas lalala ang magiging sitwasyon nila kapag opisyal nang binuksan sa publiko ang kalsada.
Ikaw, tatanggapin mo rin ba ang nasabing offer kung ikaw ang nasa posisyon ng matanda?