Dumipensa ang Kamara kasunod ng inihaing reklamo laban kina House Speaker Martin Romualdez, House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, ng Zamboanga City at Ako Bicol Party-List Rep. Zaldy Co, ang dating Chairman ng House Appropriations Committee kaugnay ng umano’y mga blangko sa panukalang badyet.
Ayon kay Cong. Dalipe, ang pagpasa ng panukalang badyet ngayong taon ay hindi isang krimen.
Tinawag ng mambabatas na isang “politically motivated” Ang pagsasampa ng reklamo at malinaw na may tunay na layunin sa likod ng naturang alegasyon.
Pinuna rin ni Cong. Dalipe ang timing ng pagsasampa ng reklamo para linlangin ang publiko at magduda sa integridad ng gawain ng Kamara.
Binigyang-diin din ni Cong. Dalipe na ang kamara ay nananatiling tapat sa kanilang mandato, na tiyaking ang bawat piso sa pambansang badyet ay nagagamit nang wasto at para sa kapakinabangan ng bayan. – Sa panulat ni John Riz Calata mula sa ulat ni Geli Mendez (Patrol 30)