Umabot na sa 10.8 billion pesos ang halaga ng utang ng mga magsasaka na tuluyang binura ng Marcos administration sa pagtatapos ng 2024.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III na nasa higit 230,000 na certificates of condonation na rin ang naipamahagi ng pamahalaan, para sa higit 198, 000 na mga magsasaka.
Katumbas aniya ito ng higit 252, 000 na ektarya ng lupang sakahan.
Sabi ng Kalihim, ang target ng pamahalaan ay makapag-pamahagi ng higit 600,000 COCs para sa mga magsasaka. – Sa panulat ni John Riz Calata