Tinapyasan ng P8 bilyong piso ng senado ang pondong nakalaan para sa Conditional Cash Transfer o CCT program ng pamahalaan.
Mula sa orihinal na P64 na bilyong pisong alokasyon para sa programa, ginawa itong P56 na bilyong piso na lamang.
Sa halip, inilipat ang nasabing pondo sa Philippine Air Force kung saan, P10 bilyong piso ang inilaan na pondo rito.
Nangangahulugan ng tapyas pondo ang pag-aalis sa listahan ng may 500,000 beneficiary-households at pagpapaliit sa target ng programa sa tatlo’t kalahating milyong mahihirap na pamilya.
Gayunman, isinusulong ng ilang mambabatas sa mababang kapulungan sa pangunguna ni Appropriations Committee Chairman Isidro Ungab na maibalik ang itinapyas na pondo.
Pinangangasiwaan ang nasabin pondo ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
By Jaymark Dagala