Itinanggi ng Department of Agriculture na sila ang may kasalanan sa nadiskubreng bukbok sa ibinebentang bigas sa Kadiwa ng Pangulo sa Quezon City.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., pina-hold ang pagbebenta ng nasabing bigas kaya’t iniimbestigahan na nila kung sino ang nasa likod ng pagbebenta ng mga sinasabing bukbok na bigas.
Napag-alaman din na hindi NFA rice ang ibinentang bigas na may bukbok.
Iginiit ng Kalihim na isang isolated case lamang ang nangyari.
Kaugnay nito, tiniyak ni Sec. Laurel na paiigtingin pa nila ang quality control measures para sa Rice-for-All program sa Kadiwa ng Pangulo stalls. – Sa panulat ni Alyssa Quevedo