Tinanggal na ng Financial Action Task Force (FATF) ang Pilipinas sa tinatawag na “grey list” o listahan ng mga bansang nasa ilalim ng “increased monitoring” ng mga pinansyal na transaksyon.
Dahil dito, binabati ng FATF Plenary ang Pilipinas sa pagiging progresibo nito sa pagtugon sa anti-money laundering, pagkontra sa pagpopondo sa terorismo, at pagkontra sa pagtaas ng financing deficiencies.
Ang FATF ay isang Paris-based organization na nagre-review ng mga hakbang na ginagawa ng higit 200 bansa at jurisdiction para pigilan ang money laundering at terrorism financing. – Sa panulat ni Roma Molina