Ang kolera ay isang bacterial infection na kadalasang nakukuha mula sa pag-inom ng kontaminadong tubig.
Maaari rin itong makuha sa pamamagitan ng pagkain ng mga hindi lutong laman dagat o seafoods at hilaw na prutas.
Kabilang sa sintomas ng kolera ay ang pagsusuka o pagduduwal, pagtatae, dehydration, lagnat, at pagkawala ng malay.
Ayon sa Department of Health, posibleng maagapan ang naturang sakit sa pamamagitan ng pagbibigay ng oral rehydration solution; at pag-inom ng isang kutsarita ng asin, apat na kutsarita ng asukal, at ihalo sa isang litro ng tubig.
Ngunit ayon sa DOH, mas mainam pa rin na magpakonsulta sa doktor kung makakaranas ng anuman sa mga sintomas na nabanggit. – Sa panulat ni John Riz Calata