Pumalag ang Young Guns ng Kamara sa banat ni dating pangulong rodrigo duterte laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Lanao Del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong, malayo sa katotohanan ang paratang ni Duterte na papunta na sa diktadurya ang adminstrasyong Marcos.
Binigyang-diin ng mambabatas na wala siyang nakikitang katangian ng isang diktador kay pangulong marcos dahil naging diplomatiko ito at hindi mapaghiganti sa kabila ng mga pag-atake.
Samantala, sinang-ayunan naman ni La Union 1st District Rep. Paolo Ortega ang pahayag ni executive secretary lucas bersamin na isang “one-man fake news factory” ang dating pangulo.
Hirit ni Cong. Ortega na kapag humingi na ng pananagutan ang sinuman sa mga ipinapakalat na maling impormasyon ng mga duterte ay magdadahilan ang mga ito na joke o biro lang ang mga binitawang pahayag.
Nabatid na muling nagpasaring si duterte laban kay Pangulong Marcos sa ginanap na campaign rally sa Mandaue City, Cebu at sinabing patungo na sa diktadurya ang administrasyong Marcos. – Sa panulat ni John Riz Calata