Kumpyansa pa rin si Senate Minority Leader Koko Pimentel na isulong ang panawagang magpatawag ng caucus si Senate Presisdent Francis “Chiz” Escudero upang mapag-usapan ang kanyang pananaw sa dapat maging hakbangin ng Senado kaugnay sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ay kasunod ng pagkatig ni dating Senate President Franklin Drilon sa posisyon ni SP Escudero na hindi maaaring mag-session at mag-convene ng impeachment court ang senado hangga’t walang pahintulot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Nanindigan si Senador Pimentel na tama ang kanyang opinyon dahil resulta ito ng pag-aaral ng kanyang tanggapan sa nilalaman ng konstitusyon at impeachment rules.
Samantala, pinasalamatan ni SP Escudero ang pagsuporta ni Drilon sa kanyang posisyon sa naturang usapin. – Sa panulat ni John Riz Calata mula sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)