Inordinahan na bilang Obispo ng Diocese of Balanga sa Bataan si Bishop Rufino “Jun” Sescon Junior.
Pinangunahan ito ni Lingayen-Dagupan Arcbhishop Socrates Villegas na kasama si Cubao Bishop-Emeritus Honesto Ongtioco at Antipolo Bishop Ruperto Santos.
Kasabay ng paggunita sa ika-39 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution kahapon, inalala ng Obispo ang naging partisipasyon dito ng namayapang si Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin.
Binigyang-diin ni Bishop Sescon na ang tunay na maka-diyos ay makabayan din.
Bago ito, nagbigay galang si Bishop Jun sa libingan ni noo’y Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin.
Si Bishop Jun ay dati ring Rector ng Quiapo church.
Nakatakda naman sa Sabado, March 1, ang Canonical Installation ni Bishop Sescon, bilang ika-5 Obispo ng Balanga.