Pinangaralanan ni Chief Presidential Legal Counsel at dating Senate President Juan Ponce Enrile ang mga mambabatas na aralin mabuti ang mga naung impeachment trial sa nakalipas na mga taon.
Ayon sa opisyal, magsisilbi itong ‘guiding materials’ sa dalawang kapulungan para mapatibay ang kani-kanilang posisyon sa nakabinbin na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Kabilang anya rito ang trial kila dating Pangulong Joseph Estrada; dating Ombudsman Merceditas Gutierrez, at dating Chief Justice Renato Corona.
Iginiit ng dating Senate President na ang mga ito ay magsisilbing precedent kaya’t mabuting mapag-aralan upang magsilbing gabay sa magiging trial laban kay VP Sara.
Naniniwala rin si Enrile na makabubuti pa rin sa senado na pag-aralan ang mga nakalipas na trial kahit pa hindi maaaring pag-usapan sa publiko ang merito ng mga petisyong kumukuwestiyon sa impeachment complaint laban kay VP Sara.
Nabatid na ang Chief Presidential Legal Counsel ang nagsilbing presiding judge nuong impeachment trial kay dating CJ Corona bilang siya ang senate president nang panahon na iyon. – Sa panualt ni Kat Gonzales