Welcome para sa kampo ni Vice President Sara Duterte ang pag-uutos ng Korte Suprema sa Kamara at Senado na magkomento sa petisyon ng bise Presidente laban sa impeachment complaint.
Ayon kay atty. Shiela Sison, Legal Counsel ni VP Sara, malugod nilang tinatanggap ang naging hakbang ng kataas-taasang hukuman.
Naniniwala anya sila na lubusang tutugunan ng sc ang mga legal issue na kanilang isinumite.
Mayroon lamang sampung araw ang dalawang kapulungan para magkomento. – Sa panulat