Iimbestigasyon na rin ng Senate Committee on Basic Education ang nadiskubreng ghost students sa Senior High School voucher program ng Department of Education.
Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, Chairman ng naturang kumite, kuntento at nasisiyahan siya sa ginagawang imbestigasyon ng DEPED sa naturang isyu alinsunod sa utos ni Education Secretary Sonny Angara.
Pero bubusisiin nila sa Senado kung may eskwelahan nang nakasuhan o natanggalan ng lisensya o permit dahil sa pagkolekta ng bayad para sa ghost students.
Layunin ng imbestigasyon ang pag-amyenda sa batas ukol sa voucher program, na Government Assistance to Students in Private Education (GATSPE).
Mas hihigpitan ang patakaran sa akreditasyon ng mga private school dahil may mga eskwelahan na hindi inaasikaso ang kalidad ng edukasyon, nais lang na makakulekta ng bayad ng deped para sa Senior High schools. – Sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)