Pagpapakita ng kapabayaan ng mga senador ang pagpapaliban sa impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.
Ito ang inihayag ni Senator Risa Hontiveros makaraang igiit na tungkulin nilang magkasa ng impeachment trial sa lalong madaling panahon dahil mandato ito ng konstitusyon.
Sinang-ayunan ng Senador ang opinyon ng ilang Abogado na pwede nang mag-convene ang Senado bilang Impeachment Court ngayon kahit nakabakasyon ang kongreso. – Sa panulat ni Laica Cuevas mula sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)