May nakitang ‘grey area’ ang Malacañang sa terminong “forthwith” sa harap ng iba’t ibang interpretasyon na may kaugnayan sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Palace Press Officer at PCO Undersecretary Claire Castro, iba’t ibang opinyon ang lumulutang dahil sa katagang “forthwith” na mababasa sa probisyon ng konstitusyon.
Wala aniyang kwestyon, na agad ikasa ang impeachment kung may session ngunit sa usapin kung dapat isagawa ang paglilitis sa Impeachment Court sa panahon ng recess, pumapasok ang grey area, kaya’t maaaring may iba’t ibang interpretasyon ukol sa argumento.
Giit ni Usec. Castro, walang sinasabi ang konstitusyon na kailangang magpatawag ng special session at pagulungin na ang impeachment trial. – Sa panulat ni Laica Cuevas mula sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)