Inanunsyo ng PAGASA na ire-retiro na ang walong domestic names ng mga nagdaang bagyo nagdulot ng ‘destructive impact’ sa bansa nuong nakaraang taon.
Kabilang sa mga tatanggaling pangalan ang Aghon; Enteng; Julian; Kristine; Leon; Nika; Ofel; at Pepito.
Samantala, papalitan naman ang mga nasabing pangalan ng Amuyao; Edring; Josefa; Kidul; Lekep; Nanolay; Onos at Puwok, na gagamitin na simula sa January 1, 2028.
Matatandaang, ilang pangalan na rin ang pinagretiro ng weather bureau partikular na ang Yolanda, Goring, Pablo, Sendong at Egay. – Sa panulat ni Alyssa Quevedo