Rerepasuhin ng Department of Information and Communications Technology ang programa nitong libreng wifi.
Ayon kay DICT Undersecretary Jeffrey Ian Dy, layon nitong pag-aralan kung paano makatitipid para mas mapalawak pa ang programa sa 10,000 lugar mula sa kasalukuyang 7,000 partikular sa mga paaralan.
Sa ilalim ng batas, nasa 125,000 na lugar ang dapat na mabigyan ng libreng wifi.
Maliban sa libreng wifi, isinusulong din ng kagawaran ang Sim Card ng Bayan Project kung saan bibigyan ng subsidiya ng gobyerno ang pagtatayo ng cellsite tower sa mga lugar na non-commercially viable, gaya ng mga liblib na lugar.