Nakapagtala ng mahigit apatnaraang kaso ng rabies ang Department of Health noong 2024.
Batay sa datos ng DOH, nagmula ang 45% ng nasabing bilang ng kaso ng ng rabies noong nakaraang taon sa kagat ng alagang hayop; kung saan ang lahat ng ito ay namatay.
Kaugnay nito, sinabi ng ahensya na patunay ito na 100% na nakamamatay ang rabies.
Dahil dito, hinikayat ng DOH ang publiko na iwasan ang paghawak o paglapit sa mga hindi kilalang hayop at pinaalalahanan ang mga pet owner na pabakunahan ang mga alaga taon-taon.
Kabilang sa mga sintomas ng rabies ang lagnat, pananakit ng ulo, pamamaga at pamamanhid ng sugat, takot sa tubig at hangin, pagkairita o pagkabalisa, pagbabago ng isip, at pagkaparalisa. —sa panulat ni John Riz Calata