Hiniling ng House Prosecution Panel sa Senado na pasagurin si Vice President Sara Duterte kaugnay sa inihaing articles of impeachment ng kamara laban sa kanya.
Naka-address ang inihaing mosyon na kay Senate President Francis Escudero, na magsisilbing presiding officer ng Impeachment Court.
Batay sa “entry with motion to issue summons” binibigyan ang Bise Presidente ng hanggang sampung araw mula ng matanggap ang writ of summons na sagutin ang articles of impeachment.
Kabilang sa mga naghain ng mosyon sina 1rider Party-List Rep. Rodge Gutierrez, isa sa House Prosecution Team; House Deputy Majority Leader at La Union Rep. Paolo Ortega V at House Assistant Majority Leader at Zambales Rep. Jay Khonghun.
Kasalukuyang nasa The Hague, Netherlands si VP Sara upang asikasuhin ang kaso ng amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nahaharap sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court. —sa panulat ni Kat Gonzales