Muli na naman bumida ang tambalang AlDub nina Alden Richards at maine Mendoza sa international agency na BBC.
Sa ika-apat na buwan ng naturang love team, hindi pa rin talaga paawat ang kanilang pagpapakilig, hindi lang sa Pilipinas kundi worldwide sa pamamagitan ng telebisyon at social media.
At sa social media, pumangatlo naman sa listahan ng twitter para sa 2015 top trending topic for TV worldwide ang ‘AldubEBTamangPanahon para sa concert na ginanap noong Oktubre.
Matatandaang nakakuha ang #AlDub ng 39.5 million tweets sa 24 oras lamang mula October 24-October 25.
By Jenny Valencia