Nanawagan sa Kongreso si Surigao Del Sur Rep. Romeo Momo Sr. Na ipasa na ang panukalang “Philippine building act” kasunod ng malakas na pagyanig sa Myanmar at Thailand.
Ayon kay Rep. Momo, ang panukalang batas ang magtitiyak na handa ang mga bago at kasalukuyang imprastraktura sa bansa laban sa natural hazards.
Layon nitong i-update ang standards kaugnay sa planning, design, construction, occupancy, maintenance at demolisyon ng gusali maging ang pag-streamline sa proseso ng mga building permit.
Ipinunto ng Mambabatas, na dapat magsilbing paalala ang nangyari sa dalawang bansa na maghanda sa mga posibleng scenario partikular ang kinatatakutang “The big one” sa metro manila.
Aniya, mahalagang maging alerto ang mamamayan dahil kailangan ang pagkilos at ang kahandaan sa natural disasters o kalamidad gaya ng lindol, baha, at sunog. —ulat mula kay Geli Mendez (Patrol 30)