Lahat naman yata tayo ay nag-online shopping na? Mas convenient nga naman kasi ito lalo na kung wala tayong time na lumabas. Pero nasubukan mo na bang mamalengke online? Ganyan ang ginawa ng mga residente sa ilocos matapos mag-live selling ang isang lalaki sa ilog!
Ang buong kwento, eto.
Pinatunayan ng isang lalaki mula sa Dingras, Ilocos Norte na talaga namang gamit na gamit ng mga pilipino ang internet at social media lalo na pagdating sa pagnenegosyo.
Ang lalaki kasi, nag-live selling ng mga isda doon mismo sa ilog kung saan niya nahuli ang mga ito.
Nasaktuhan kasi na nagkalat ang mga isda sa nasabing ilog dahil ayon sa mga residente, tipikal na raw itong nangyayari sa tuwing mainit ang panahon.
Sa dami ng mga nahuling isda, umabot ito ng 170 kilos at kabilang sa mga ito ang carp, tilapia, dalag, at mga isdang maaaring gawing kilawin.
Nagsagawa pa ng live tasting ang isang lalaki at nag-recommend pa na masarap daw pang-kilawin ang hawak niyang isado bago ito kinagatan.
Dahil sa presyong 130-300 pesos per kilo, nagkaniya-kaniyang place order agad ang mga nnaonood sa live selling. Ang kaibahan nga lang nito sa pag-o-online shopping ay sila mismo ang nag-pick up ng kanilang orders sa bahay ng mga nanghuli.
Kung ikaw ang nakakita sa live selling na ito, oorder ka rin ba?